Tuesday, January 15, 2013

Ang mga Pilipino at ang Itim na Nazareno

          Taon-taon, pagpatak ng ika-9 ng Enero, mahigit sa isang milyong mga Pilipino ang namamanata sa itim na Nazareno. Ngunit, masasabi pa ba natin na makabuluhan ito sa bawat Pilipino? Ano kaya ang sinasabi nito patungkol sa mga Pilipino?

          Sa aking pagbabasa ng bibliya, naalala ko ang isang talata na makikita sa John 4:23, "Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in the Spirit and in truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks." Makikita natin na hindi tinitignan ng ating Diyos ang ating paggawa, ngunit ang ating tunay na dinadala at pagsamba. Ang panananata sa isang idolo, ay hindi nangunguhulugan na ikaw ay tunay na sumasamba sa Diyos na ang ating tagapagligtas. Pareho lang ito sa libo-libong mananampalataya na nagrorosario araw-araw, ngunit hindi naman talaga sumasamba sa Diyos. Tila, nawala ang totoong pagkakaintindi ng mga Pilipino sa pananampalataya at kung sino naman talaga ang sinasamba. Tayo ay nakakulong parin sa kaisipan ng mga Espanyol na sumakop sa atin. Nakikita parin ang paggamit ng mga Espanyol sa ating Diyos upang mahawakan ang ating mga kilos at kaisipan. Makikita din ang pagiging "Superstitious" ng mga Pilipino. Ang paniniwala na makagagaling ang idolong iyon kaya ibubuwis ko ang aking buhay ay isa lamang kasinungalingan. Hindi ang pagpapahid ng panyo sa idolo ang kasagutan sa ating mga karamdaman, ngunit ang kanyang salita ang kasagutan sa ating pagkagutom at pagkauhaw. Totoo ngang hindi parin tayo tumatanda sa kaisipan na mga ito.


    https://www.facebook.com/pages/MGA-LAKI-SA-BULAKAN-BULACAN/114315955252379                               

          Kaya kung ako ay tatanungin, abot kamay na ba ang kaunlaran para sa Pilipinas? Sa panlabas, maaring nakakamit na natin ng pa onti-onti ang kaunlaran, ngunit hindi pa talaga tayo nakakaalis sa ating pagiging alipin sa loob. Makikita pa rin natin ang mga kaisipang binigay saatin ng ating mga mananakop upang takutin tayo at kontrolin. Hindi parin natin nahahanap ang tunay na dahilan kung bakit tayo sumasamba. Hindi pa umuunlad ang kalooban ng mga Pilipino dahil hindi parin natin kilala kung sino tayo. Hindi natin kayang panindigan at makita kung ang ating mga pinaniniwalaan ay totoo at hindi. Hindi parin natin naiintindihan na ang mga Pilipino ay pinagpalaan ng Diyos ng lubusan, kaya dapat lamang natin siyang sambahin at pagkatiwalaan ng kinabukasan ng ating bansa.  

Friday, November 16, 2012

Milan

          Sa simula ng kwento, makikilala natin si Lino bilang isa sa mga bida ng pelikula. Ngunit, sino nga ba si Lino? Si lino para saakin ay isang inosenteng tao lamang na umaasang mahanap ang kanyang mahal sa buhay na nangibang bansa upang magkaroon ng maraming pera. Wala siyang alam sa buhay ng isang OFW. Siya ay nabulag lamang sa katotohanan na hindi na niya makikita ang kanyang hinahanap. Dahil sa kanyang pagnanais, umalis siya papuntang Milan upang mahanap ang kanyang minamahal. Doon niya nakita ang buhay ng isang Pilipino sa Milan. Nakita niya ang diskriminasyon at hirap na kanilang nararanasan araw-araw. Hindi siya legal na pumasok sa Milan, siya din ay niloko ng kanyang employer na nagpadala sa kanya sa Milan. Sa mga unang buwan niya, hindi muna siya nagtrabaho, may nakilala siya ng mga grupo ng mga Pilipino na kumupkop sa kanya. Noong siya ay nagtratrabaho na, napansin niya ang katotohanan na ang diploma sa Pilipinas ay kubeta lang ang katapat. Para saakin, hindi nakalimutan ni Lino na siya ay isang Pilipino parin. Nakita niya ang paninira ng mga banyaga, ngunit hindi siya nagpa-api sa kanila. Nakita din niya ang paghihirap ng mga Pilipino na mawalay sa kanilang mga minamahal sa buhay.

          Noong nasa Milan na si Lino, niloko nga siya ng kanyang employer kaya wala siyang mapuntahan. May nakilala siyang isang OFW na si Jenny. Si Jenny naman ay isang OFW na walang ginawa kundi magtrabaho. Nandoon ang sipag ng kanyang magtratrabaho, ngunit wala na yung puso. Lahat na ata ng trabaho ay pinasukan niya; kasama na ang pakikipag-relasyon sa isang banyaga. Pera lamang ang hanap-hanap niya para may maipadala sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Kagaya ng isang karaniwang OFW, nahirapan siya sa kanyang pagkakawalay mula sa kanyang pamilya. Malungkot siya sa Milan dahil sa kanyang pagkakakayod mula sa umaga hanggang gabi, ngunit tatawag lamang ang kanyang pamilya kung meron silang kailangan. Gaya ng ibang mga Pilipino, nasilaw na sila sa salapi at nakalimutan na ang kanilang mga sarili. Binaliwala na ni Jenny ang diskrimination na nararanasan niya mula sa mga banyaga dahil sa pera.

          Kahit pangcommercial ang pelikula, pinilit parin ng direktor na maipakita ang ilan sa mga karanasan ng mga mga OFW. Pinakita nila ang hirap ng pagiging OFW sa kanilang pagtratrabaho. Kubeta lang ang katapat ng ating diploma, pinakita nila ang trabaho ng mga propesyonal na mga Pilipino na pagiging domestic helper lang ang bagsak sa ibang bansa. Ipinapakita din ang hirap ng pagkakawalay sa kanilang minamahal. Masakit din para sa kanila na tumatawag lamang ang kanilang mga mahal sa buhay kapag sila ay merong kailangan.

          May mga ipinakita din sa pelikula patungkol sa mga isyu/usapin ng isang OFW. Dahil malayo sila sa kanilang minamahal at tumatawag lamang sila kung may kailangan, nagkakaroon din sila ng isa pang pamilya sa bansang kanilang pinagtratrabauhan. Wala silang naramdaman kundi hirap. Makikita din natin ang pagloko ng isang Pilipino sa kapwa niyang Pilipino. Muntikan nang mawala si Lino sa Milan noong siya dumating dahil niloko siya ng isang employer na Pilipino. Makikita din natin ang illegal na pagpasok ng mga pinoy; tinataya nila ang kanilang mga buhay upang masubukang makamit ang pangarap na hindi naman talaga totoo.

          Para saakin, isa lamang ang mensahe ng pelikula. Ang pagiging isang OFW ay hindi magiging kasagutan sa kahirapan ng mga Pilipino. Ang pagiging OFW ay merong mga magagandang mga bagay na makakamit, ngunit mas malaki ang kapalit nitong hirap. Dahil sa hirap, nasasangkot ang mga Pilipino sa mga bagay na hindi naman talaga nila sinasadya o hindi naman nila kasalanan. Dahil sa kagustuhan sa pera, pumapasok ang mga Pilipino sa mga trabaho na hindi naman talaga nila dapat na pagtrabauhan. Malungkot ang kanilang buhay sa kabila ng pera na kanilang natatanggap.

          Bilang mga Pilipino, dapat nating mahalin ang ating mga kababayan sa ibang bansa. 'Wag na nating bigyan ng matatamis na mga salita tulad ng ating gobyerno. Harapin natin ang katotohanan, hindi madali ang buhay ng isang OFW. Pagkakawalay lamang sa kanilang mga mahal na buhay na tumatawag lamang kung meron silang kailangan, ay isang masakit na bagay para sa isang OFW. Mga Pilipino na nga tayo, may kakayahan pa tayong manloko ng kapwang Pilipino. Nawa mabuksan na tayo sa katotohan, ipagtanggol natin ang Pilipinas, hanapin natin ang kasagutan sa Pilipinas.

Monday, August 6, 2012

La Visa Loca

        Isang bagay na kitang-kita sa ating pagkatali, ay ang pagnanais ng bawat Pilipino na magkaroon ng Visa at makapunta sa Amerika. Nasa utak parin natin ang mentalidad na kapag nasa Amerika na tayo, giginhawa at yayaman ang ating mgaa buhay. Hanggang ngayon, ramdam parin natin ito, ang mentalidad natin na mas magandang mamuhay sakanila; hindi natin alam na mas mahihirapan lamang sila kapag nandoon na sila. Tila nasisilaw parin sila ng tinatawag na "American Dream" na ngayon ay isa nang bangungot. Isa pa ay ang ating lengwahe at mga salitang ginagamit. Sa isang parte ng penikula, tumawag ang tatay ng bida sa isang stasyon sa radyo. May tama ang sinabi niya na bakit kapag "Scientific Words" ang babangitin, bakit hindi sa Filipino, bastos ba ang mga salitang Pilipino?

    Para saakin, isang pagkakapareho nila ay ang kanilang pagnanais na maging Amerikano at kalimutan na ang pagiging Pilipino. Kung ating titignan ang penikulang "Ganito kami noon, paano kayo ngayon?", makikita natin ang pagiging "Balimbing" ng mga Pilipino. Noong umalis na ang mga Espanyol, kumampi naman sila sa mga Amerikano, hindi nakatatak sa kanilang puso na sila ay mga Pilipino.

    Ipinakita ang pagtingin ng mga banyaga sa ating bansa nung tumakas ang isang kristo kasama ang kanilang pera. Sobrang nagalit yung banyaga at tinawag pa ang ating bansa na isang bansa na mga magnanakaw. Para saakin, hindi naman talaga sinabi, ngunit alam ko na nakikita din tayo na kaya nating ipagpalit ang ating "Identity" para lamang guminhawa; ipinakita ito nung sumakay ang kanyang nanay sa taxi kasama ang asawa niyang Amerikano. Habang nakasakay sila, reklamo ng reklamo at pinapakita niya ang kapangitan ng Pilipinas na parang hindi siya Pilipino. Meron din isang ipinakita ng pagkakainis ang Amerikanong host tungkol sa mga Pilipino na ayaw magtanong, nangyari ito noong nawala sila habang hinahanap ang isang pari. Sinabi din nung Amerikano na walang mga magagandang bagay dito sa Pilipinas, sinabi niya ito noong nahimatay yung isang Pilipino na may Anting-angting.

    Sa aking nakita, napansin ko na kung Amerika ang pinaguusapan, isa itong lupa ng pangarap. Tulad sa Biblia, ito ay parang "Promise Land," maginhawang buhay ang nagaantay sa'yo. Dahil dito, maraming mga Pilipino tuloy ang nagnanais na makapunta sa Amerika. Mas maganda daw ang Amerika sa Pilipinas mamuhay, hindi nila alam na mas mahihirapan lamang sila doon. Ang iba naman ay para makahanap ng mayamang asawa upang sila ay maging mayaman din. Ginawa ito ng nanay ng bida upang yumaman lamang.

    Para saakin, mahalaga itong pelikula, dahil ito ay nagpapakita talaga ng mentalidad ng Pilipino. Hangang ngayon, nakakahon parin tayo at nakatali sa mga utak ng Amerikano. Ang ating pananalita, pananamit, at pati na rin ang ating mga ugali ay unti-unti nang nababago dahil hangang ngayon, malakas parin ang kapit natin sa mga Amerikano. Nasa isip parin din natin na ang pagaabroad ang sagot sa ating kahirapan. Hindi natin alam ang kapalit ng mga iyon. Wala naman talagang problema sa pagluluwas sa ibang bansa, kung ito naman talaga ang panawagan mo sa buhay. Kailangan na nating tanggalin ang kaisipan na lahat ng pangako ng buhay ay masasagot sa pagluluwas sa bansa, hindi natin alam na mas mayaman ang Pilipinas sa kahit anong bansa. Kung ako ang tatanungin niyo, walang papantay sa ganda ng Pilipinas, mali lang talaga ang kaisipan na nalagay sa ating mga utak. 

    Isa pang kahalagahan nito ay ipinapakita ang kaibahan ng mga Pilipino noon at ngayon. Makikita natin na halos walang pagbabago ang mga Pilipino noon at ngayon. Isip parin natin ay ang pangingibang bansa ang sasagot sa lahat ng ating problema. 

    Ang penikulang ito ay isa lamang sa mga pelikula na kailangan nating isapuso. Makikita natin na walang pagbabago ang mga Pilipino, noon man o ngayon. Nawa, lahat tayo ay maging Anglahi sa ating puso at sa ating gawa. Isapuso natin ang pagiging "Bagino," ang mga Bagong Pilipino.